Kelot, Patay sa Riding-In-Tandem

DEDO ANG KELOT matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo habang ang una ay naglalakad sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa mukha at katawan si Freddie Taraya, 20 ng Lapu-Lapu St., Longos ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-12:20 ng umaga, naglalakad malapit sa kanilang bahay ang biktima nang parahan ng mga suspek at pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka habang dinala naman ang biktima sa TMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.