Kelot, Patay sa Pinsan

 

ISANG LALAKE ang pinatay sa saksak ng kanyang sariling pinsan dahil umano sa matagal na alitan sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Wala nang buhay na i-dinating sa Pres. Diosdado Memorial Medical Center sanhi ng apat na malalalim na tama ng saksak sa katawan ang biktimang si Nelson Corona y Cerbito, 39, binata na kasalukuyang naninirahan sa # 46 Magtanggol St., Brgy. 29 ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang sumuko sa mga barangay tanod ang suspek na nakilalang si Benjamin Cerbito, 37, may-asawa, vendor at kapit-bahay ng biktima.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, dakong alas-6 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Magtanggol St., Brgy, 29.

Nabatid na kasalukuyang pinipinturahan ng suspek ang kanyang kariton nang lapitan ito ng biktima na nakainom ng alak at hawak ang isang patalim.

Dahil dito, mabilis na binunot ng suspek ang kanyang patalim at saka inunahang pag-uundayan ng saksak ang biktima sa kanyang katawan.

Nang duguan humandusay sa lupa ang biktima ay mabilis itong isinugod ng mga kapit-bahay sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga.

Matapos ang insidente, kaagad namang sumuko sa mga barangay tanod sa kanilang lugar ang suspek at isinuko rin nito ang patalim na ginamit sa krimen.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.