Kelot, patay sa pagkakatayo

PATAY ANG ISANG kelot matapos itong barilin ng isang ‘di pa nakikilalang lalaki habang ang una ay nakatayo sa kalsada kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala ng hand gun sa noo ang biktima na nakilala lamang sa alyas Iking, nasa hustong gulang, ng Sitio 6 Catmon, Malabon City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:47 ng hapon nang maganap ang insidente sa harap ng isang bahay sa No. 302 Gov. Pascual Ave. Bgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksing si Kevin Espiritu, 33, may-asawa, ng 35 P. Interior Burgos St., Brgy. Concepcion, Malabon City, minamaneho nito ang kanyang Toyota FX patu-ngong Francis Market, Brgy. Acacia ng nasabing lungsod, napahinto ito dahil sa trapik nang dumaan sa kanyang harapan ang isang lalaki na may bitbit na hand gun at isinukbit sa bewang habang papatakas.

Habang nakita naman nito ang biktima na naliligo sa sariling dugo, dito bumaba siya sa kanyang sasakyan para tulungan ang biktima subalit nang kanyang pulsuhan ay wala na itong buhay sanhi ng tama ng bala ng hand gun sa noo. Dahilan upang ipagbigay-alam nito sa mga awtoridad ang nasabing insidente.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagpaslang sa biktima. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.