Kelot, Patay sa Pagbangga sa Baka

DEAD ON arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos makabangga sa isang baka sa Tinambac, Camarines Sur.

Base sa report ng CamSur Police Provincial Office, nabatid na pauwi na sana sa kanilang bahay ang biktimang si Ruel Flores lulan ng kanyang motorsiklo nang biglang tumakbo patungo sa kalsada ang isang baka.

Hindi naiwasan ni Flores ang naturang hayop at tuluyang bumangga rito.

Tumilapon sa kalsada ang biktima at nabagok ang ulo sa semento na siyang naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Samantala, nabatid na namatay rin ang bakang nabundol ni Flores.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.