Kelot, patay sa nakagit-gitan sa motorsiklo

PATAY ANG ISANG kelot matapos barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakagitgitan ng una habang sakay ng mga motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa FEU hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Eleuterio Esteva, 43, ng Rose St., Payatas, Quezon City.

Batay sa ulat, alas-7:45 ng gabi, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pagsapit sa Kalayaan St., Franville Subd., ng lungsod ay nakagitgitan ang suspek sakay ng isang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa bunutin ng suspek ang dalang baril at paputukan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa FEU hospital.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.