Kelot, Patay sa mga Nakatalo

 

TIGOK ANG kelot matapos pagsasaksakin ng isa sa limang lalaki na nakatalo ng una sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Eric Francisco, 42, ng Sioson St., Dampalit ng lungsod.

Nadakip naman sina Noel Wijangco, 33, ng Liway-Liway St., Bayan-Bayanan; Gerald Ylagan at Abner Cruz, kapwa nasa hustong gulang at pawang ng lungsod.

Nakatakas naman sina Jimboy Salandanan at isang alyas Elmer ng Navotas.

Base sa ulat, alas-3:15 ng umaga, nakatalo ng biktima ang mga suspek sa Don Basilio Bautista st., Hulong Duhat ng lungsod kung saan nagbunot ng balisong si Wijangco at pagsasaksakin si Francisco.

Nadaanan naman ng mga barangay tanod ang pangyayari na naging dahilan upang madakip sina Wijangco, Ylagan at Cruz habang nakatakas ang dalawa pang kasama.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinagtalunan ng biktima at ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.