Kelot, Patay Sa Love Triangle

SELOS ANG itinuturong dahilan kung bakit tinarakan sa dibdib ng isang binatilyo ang 22 anyos na karibal kamakalawa ng gabi sa bayan ng Rodriguez.

Kinilala ni Rizal PNP Director Sr. Supt. Rolando Anduyan ang biktima na si Enrique Prezantation, binata, residente ng Hillside, Sitio Yagit, Brgy. San Rafael ng nasabing bayan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si alyas Brix, 17-anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa nasabing lugar kung saan ay naglalakad papauwi ang biktima nang salubungin ng suspek.

Bigla na lamang tinarakan ng suspek ng patalim sa dibdib ang nabiglang biktima na nagawa pang makatakbo at humingi ng tulong sa bahay ng kaibigang si Benerando Nuyda na nagdala sa kanya sa  H-Ville Hospital kung saan ay ideneklarang dead on arrival.

Ayon kay PO2 Rodel Mina, nagkaroon ng ma-tinding galit ang suspek matapos na piliin ng kanilang nililigawan ang biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang pag-aresto sa suspek na hinihinalang sumibat na patungo sa kanilang lalawigan sa Samar.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.