Kelot, patay sa liga ng basketball

TODAS ANG kelot matapos barilin ng isa sa tatlong suspek habang ang una ay nanonood ng paliga ng basketball sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa likuran ulo si Ariel Oscillada, 22 ng Ilang-Ilang st., Tanza ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na nakilala lang sa alyas na Momon; Lango; at isang hindi pa kilalang kasama.

Batay sa ulat, alas-10 ng gabi, nanonood ng paliga ng basketball ang biktima sa covered court sa Amapola st., Tanza nang lapitan ng mga suspek kung saan isa ang bumaril kay Oscillada.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ang motibo sa pagpatay sa biktima. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.