Kelot patay sa lamayan

PATAY ANG ISANG lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang una ay nagsusugal ng tong-its sa lamayan sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan si Edgar Denoman, 43, ng Sulucan St., Hulong Duhat ng nabanggit lungsod.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, nagsusugal ng tong-its ang biktima sa lamay sa Sta. Cruz St., Hulong Duhat nang sumulpot ang gunman at pagbabarilin si Denoman.

Matapos ang insidente ay sumakay ang suspek sa kasama na may dalang Yamaha Mio (3426-TS) habang dinala naman ang biktima sa PLM.

Nang makalayo ang mga suspek ay iniwan ng mga ito ang gamit na motorsiklo bago sumakay sa isang bangka papuntang Navotas.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing pamamaril. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.