Kelot, patay sa kinakabit na jumper

PATAY ANG ISANG kelot matapos makuryente at mahulog sa isang poste ng Meralco habang nagkakabit ng illegal connection ng kuryente sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktimang lalaki sa alyas na Nonoy, nasa hustong gulang ng PNR Cmpd., Samson Rd., ng lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng hapon, umakyat ng poste ng Meralco ang biktima sa Samson Rd., ng lungsod upang magkabit ng illegal connection ng kuryente.

Nadikit sa live-wire ang biktima na naging dahilan upang makuryente at bumagsak sa kalsada na nangingisay na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.