Kelot, Patay sa Kapatid na May Sayad

PATAY ANG isang lalaki matapos saksakin ng kanyang sariling kapatid na may karamdaman sa pag-iisip.

Ayon kay Supt. Emmanuel Tabuena ng Marikina Police, nagbibiruan ang magkapatid na Roval delos Reyes at alyas Bert sa kanilang bahay kamakailan nang biglang magkapikunan ang dalawa.

Dahil dito, nakakuha ng kutsilyo sa kusina si Bert at mabilis na pinagsasaksak ang kanyang nakatatandang kapatid.

Sinubukan namang awatin ng kanilang nanay ang magkapatid pero pati siya ay pinagsasaksak ng sariling anak.

Agad namang hu-mingi ng saklolo ang barangay at isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center si Roval at ina nito.

Samantala, idineklarang dead on arrival si Roval habang nagtamo ng minor injuries ang kanyang ina.

Sa ngayon, nakadetine na sa Marikina PNP ang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.