Kelot, Patay sa Holdaper ng Bus

WALA NANG buhay nang idating sa isang bus terminal ang isang lalaki makaraang mabaril ito ng isang hindi nakikilalang holdaper na nagsagawa ng panghoholdap sa loob ng pampasaherong bus kamakalawa ng gabi.

Si Dennis Narciso, 36, residente ng 136 H. Bautista St., Arkong Bato, Valenzuela City ay agad na nasawi sa inuupuan nito sa loob ng First Luzon Transit Bus sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ulo.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Joel Montebon ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Caloocan PNP, at may hawak ng kaso, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng nasabing transit bus.

Nabatid na kasaluku-yang binabagtas ng nabanggit na transit bus na minamaneho ng isang Romeo Mercado ang North Luzon Exressway (NLEX) partikular sa boundery ng Pulilan at Sta. Rita, Bulacan.

Biglang nagdeklara ng holdap ang hindi nakikilalang holdaper na nagkunwaring pasahero rin, dahilan upang mapatayo ang biktima at maalarma naman ang suspek.

Sa puntong iyon ay biglang pumutok ang hawak na baril ng holdaper at tinamaa ng bala ang biktima sa ulo na nagresulta sa maagang kamatayan nito habang ang suspek ay nagdudumaling bumaba ng bus para tumakas.

Idineretso ng driver na si Mercado ang minamaneho nitong bus sa kanilang bus terminal sa Caloocan City at saka ini-report ang insidente sa Caloocan City Police.  (ROMAN MAGPOC)  

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.