Kelot, Patay Sa EDSA

PATAY ANG isang lalaki matapos mabundol ng AUV bago sumapit ng EDSA-Santolan flyover kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center ang naturang biktima na kinilalang si Henry Parcua matapos magtamo ng malubhang pinsala sa katawan.

Wasak naman ang harapang bahagi ng Toyota Revo na may plakang WJK 298 at minamaneho ni John Paul Martin, 20-anyos.

Ayon sa salaysay  ni Martin, paakyat na siya ng Santolan flyover sa nortbound lane ng EDSA nang huminto ang isang bus at may bumabang lalaki.

Hindi na niya nagawanag mailagan ito, dahilan para mabangga ang biktima.

Sinabi pa ni Martin na hindi niya nakuha ang plaka at pangalan ng bus.

Samantala, papunta na sanang Cubao ang biktima para sunduin ang mag-iina na galing pa ng Bicol.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.