Kelot, Patay sa Boga; Mga Rumespondeng Pulis, Naaksidente

TINUTUTUKAN ANG anggulong mga New People’s Army (NPA) ang may kagagawan ng pamamaril sa isang binata sa Camarines Sur.

Ito’y matapos paulanan ng bala mula sa M-16 rifle ang biktimang si Ronel Remulez, 23, ng Sitio San Jose, Barangay Antipolo, Iriga City.

Base sa pagsisiyasat, huling nakita ang biktima na kasama ang dalawang babae sa kalapit na barangay.

Laking gulat na lamang ng mga magulang ng biktima nang makita itong nakabulagta sa gitna ng kalsada, may apat na tama sa dibdib at naliligo sa sariling dugo.

Natagalan naman sa pagresponde ang PNP Iriga City dahil naaksidente sa motorsiklo ang dalawang pulis na papunta na sana sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon naman sa ina ng biktima, posibleng napag-initan ng mga NPA ang kanyang anak dahil minsan ay akakasama ito ng mga army.

Samantala, patuloy pa rin  ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan at hindi rin inaalis ang posibilidad na may nakaaway nang una ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.