Kelot, Patay sa Away Sugal

PATAY MATAPOS magtamo ng 21 saksak ang 42-anyos na lalaki sa Zone 15, Brgy. Calaparan, Arevalo, Iloilo City kahapon ng mada-ling-araw.

Nakilala ang biktima na si James Sahonia habang ang suspek naman ay kinilalang si Allain Adle, 21; at Bernardino Abantao Jr., 23, residente ng nasabing lugar.

Dinala pa ang biktima sa ospital suba-

lit hindi na naisalba pa dahil sa dami ng sugat na tinamo kung saan maging ang dila nito ay muntik nang maputol matapos tamaan din ng saksak.

Inamin naman ng isa sa mga salarin na si Alde na away sa sugal sa lamay ang kanilang motibo sa pagpatay sa biktima.

Napag-alaman na hinabol pa ng mga sa-larin ang biktima nang bumili ito ng tinapay at pinalo ng bote sa ulo at saka sinaksak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.