Kelot, patay sa anim

TODAS ANG isang kelot matapos kuyugin at barilin ng isa sa anim na hindi pa kilalang mga lalaki habang ang una ay nagko-computer sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo si John Michael Ira, 22 ng Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi, nagco-computer ang biktima sa nasabing lugar nang magdatingan ang mga suspek at kuyugin ang biktima.

Bago tumakas ay isa sa mga suspek ang bumaril sa biktima kung saan inaalam na ng mga pulis ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.