Kelot, Patay Nang Tanggalin ang Harang na Yero

PATAY ANG isang kelot matapos barilin ng miyembro ng kabilang homeowners’ association makaraan tanggalin ng una ang hinarang na yero ng huli sa daan papasok sa lugar ng biktima sa Caloocan City kamakalawa ng hapon

Namatay habang ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan si Reynante Alfaro, 29, kasapi ng Christian Homeowners’ Association sa Bagumbong ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Ricky Belangel, nasa hustong gulang at miyembro naman ng Kasapi Homeowners’ Association ng Bagumbong ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-5 ng hapon, hinarangan ng yero ng suspek ang daan sa boundary ng mga nasabing samahan kung saan nang malaman ng biktima ay pinuntuhan.

Kinumpronta ng biktima ang suspek at tinanggal ang yero na ikinagalit ng huli sabay bunot ng baril at pinagbabaril si Alfaro.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRH.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.