Kelot, Patay; Kapatid, Kritikal sa Grupo

DEDO ANG isang kelot habang kritikal ang ka-patid matapos harangin at pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang grupo sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Fatima Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Omar Samia, 29, ng Jacinto St., Marulas ng lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi rin ng mga saksak sa katawan ang kapatid ng nasawi na si Jeffrey, 24, ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-2 ng umaga, sakay ng motorsiklo ang magkapatid at pagsapit sa Jacinto St. ay hinarang ng mga suspek at walang salitang pinagsasaksak ang mag-utol.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang mag-utol sa FMC, kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.