Kelot, Niyari ng Mag-utol

 

PATAY ANG isang lalaki matapos pagsasaksakin ng isang mag-utol na dating kapit-bahay nang magkita sa nilipatan ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa San Lazaro Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Roberto Luyan, 25, ng North Ville, Bagumbong ng lungsod.

Nadakip naman si Ronaldo Rodriguez, 50, habang nakatakas naman ang utol na si Jay-Ar kapwa ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-6 ng gabi, nakatayo ang biktima malapit sa kani-lang bahay nang sumulpot ang mga suspek at pinagtulungan pagsasaksakin si Luyan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mag-utol subalit nadakip si Ronaldo sa isinagawang follow-up operation habang dinala naman ang biktima sa SLH.

Nabatid na kaaway na ng biktima ang mga suspek noong nasa Daang Bakal pa sila sa nasabing lungsod hanggang sa malipat sa Bagumbong.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pinag-aawayan ng biktima at mag-utol.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.