Kelot, natagpuang patay sa sementeryo

PATAY NA NANG makita ang isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nakalublob ang ulo sa hanggang tuhod na baha sa loob ng sementeryo sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Halos naaagnas na nang makita ang biktima na may tattoo sa kanang balikat na “Dakilang Ina”.

Sa ulat, alas-4 ng hapon, isang residente ang napadaan sa loob ng sementeryo ng Polo sa Palasan ng lungsod at nakita ang biktima na nakalublob ang ulo sa hanggang tuhod na baha.

Agad na sinabi sa mga pulis ang nakita, kung saan wala namang nakitang pa-latandaang pinatay ang biktima at inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay nito. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.