Kelot, Natagpuang Patay sa Motel

NATAGPUANG PATAY ang isang 61-anyos na lalaki sa isang motel sa Cubao, Quezon City, kamakailan.

Naka-underwear na lamang nang matagpuang nakabulagta sa silid ng Likes Motel, Interior Suite ang hindi na kinilalang biktima na umano’y residente ng Makati City.

Ayon sa pamunuan ng motel, nag-check-in ang biktima kasama ang isang lalaki bandang alas-7:00 ng gabi.

Natuklasan ang labi ng biktima nang wala nang sumasagot sa silid nito matapos katukin ng room boy.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), posibleng inatake sa puso ang biktima dahil wala naman itong mga sugat.  Wala ring nakitang palatandaan ng foul play.

Hindi naman mahagilap ngayon ang kasamang lalaki ng biktima.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Criminal Investigastion and Detection Unit (CIDU) sa pamilya ng biktima para ipaalam ang nangyari sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.