Kelot, Nasaksak ang Sarili sa Nilarong Patalim, Patay

PATAY NA nang dumating sa pagamutan ang  isang 23-anyos  na lalaki matapos aksidenteng masaksak ang sarili sa nilalarong patalim sa Zamboanga City.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Jobert Francisco Guevarra, residente ng Sitio Tala, Barangay Boalan sa lungsod.

Lumalabas sa ulat ng Zamboanga City police station 5, naglalakad ang biktima sa lugar maghahating-gabi kasama ang kanyang mga kaibigan at nasisiyahan sa paglalaro sa dala niyang patalim.

Habang nilalaro umano ni Guevarra ang patalim, natanggal ito sa kanyang kamay at biglang dumiretso sa kanyang binti.

Marami umanong dugo ang lumabas sa malubhang sugat na tinamo ng biktima sa kanyang binti na hindi kaagad naagapan.

Dahil walang masakyan, naglakad pa ang biktima kasama ang kanyang mga kasamahan nang higit-kumulang sa isang kilometro para makasakay papunta sa pagamutan.

Idineklarang dead on arrival ng doktor sa Zamboanga City Medical Center ang biktima dahil sa hemorrhage.

Samantala, iniimbestigahan naman ng mga kinauukulan kung may foul play sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.