Kelot, namatay sa sobrang hilig

TACLOBAN CITY – ISANG malamig ng bangkay ang nakita ng isang room boy sa loob ng isang motel sa lungsod ng Tacloban kung saan pinaniniwalaang dahil umano sa sobrang excitement sa kama ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Kinilala ni SPO1 Abelardo Dugan, may hawak sa kaso, ang lalaki na nag-check-in sa motel na si Edie Tabernero, 45, residente ng Roxas Capiz, at foreman sa Leyte Metropolitan Water District (LMWD).

Dahil sa nangyari, agad namang ipinaalam ng mga kinauukulan sa mga kamag-anak ng biktima upang makuha ang labi nito.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na wala namang makitang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Malaki ang paniniwala ng mga pulis na maaaring na-excite lamang ang biktima dahil bago pa man ito mamatay ay may nakita umano ang mga staff ng motel na may kasama itong babae. Maaring namatay ang nasabing lalaki sa sobrang hilig.

Samantala sa ngayon ay isinailalim na awtopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman kung ano talaga ng naging dahilan ng pagkamatay nito. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.