Kelot, namatay sa sarap

PATAY ANG isang kelot nang hindi na magising matapos makipag-sex sa loob ng motel sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Zaldy Isanan, 23, ng Sto. Niño, Concepcion ng lungsod.

Nabatid na kamakalawa ng gabi ay nag-inuman ang biktima at ang nobyang si Rassell Salvador, 23 sa Hulong Duhat ng lungsod kung saan nang matapos ay tumuloy sa kalapit na Nipa Lodge sa N. Naval, Hulong Duhat ng lungsod.

Matapos mag-sex ay natulog na ang magsyota at alas-3 ng umaga ay kinatok ng roomboy dahil tapos na ang oras.

Bumangon si Salvador at nagbihis bago ginigi-sing ang biktima subalit hindi kumikilos at napansin ng una na maputla na si Isanan.

Agad na humingi ng tulong si Salvador sa mga roomboy at nang tingnan ang biktima ay saka nalaman na walang buhay na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Wala naman nakitang palatandaan na pinatay ang biktima kung saan inaalam na kung ano ang ikinamatay ni Isanan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.