Kelot, Nalasog sa Bus

PATAY ANG isang lalaki matapos mabundol ng isang tourist bus kamakailan sa Caloocan City.

Kasalukuyang inaalam pa ng Caloocan City Traffic Bureau ang pagkakakilanlan sa naturang  biktima na idineklarang dead on arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital.

Nasa kustodiya naman ng mga kinauukulan ang salarin na si Solomon Acuña Jr., driver ng Nissan Bus (TXK-258) na pag-aari ng Martin Tour Bus.

Nangyari ang aksidente dakong alas-6:00 ng gabi sa EDSA Avenue, Monumento, Caloocan City nang biglang tumawid ang biktima ay hindi nito namalayan ang paparating na bus na  minamaneho ni Acuña.

Huli na bago nakontrol ni Acuña ang manibela ng bus dahil nabangga na nito ang biktima.

Matapos ang aksidente ay sumuko sa pulisya ang driver at ang biktima naman ay dinala sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.