Kelot, Nakuryente Habang Namimitas ng Mangga, Patay

PATAY ANG isang 53-anyos lalaki matapos makuryente habang nangunguha ng mangga sa may Barangay Canacan, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Jaapal Hakim, residente ng Barangay Salipyasin ng naturang bayan.

Napag-alaman ng mga kinauukulan na pasado alas-8:00 ng umaga nang pumunta sa kanyang mango farm ang biktima para sa pag-harvest kasama ang iba pa niyang mga kasamahan.

Nasa taas na umano ng isang puno ng mangga ang biktima nang aksidente itong nakahawak sa live wire ng electric transmission lines kaya nakuryente at tuluyang nahulog.

Idineklarang dead on arrival sa isang ospital sa lugar ang biktima dahil sa malubhang pagkasunog na tinamo nito sa kanyang katawan.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng pulisya kung may dapat bang managot sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.