Kelot, Nainguso ang Suspek Bago Mamatay

NASABI PA ng isang kelot sa mga pulis kung sino ang sumaksak sa kanya bago namatay sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa mukha at katawan si Eduardo Baquiran Jr., nasa hustong gulang ng Quinay St., Meycauyan, Bulacan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si John Kristopher Banzagales, 26 ng Meyland Village , Lingunan, Valenzuela City.

Sa pahayag ng biktima, alas-2:40 ng umaga nang saksakin siya ng suspek sa Chicago St., Ciudad Grande, Lingunan ng nabanggit na lungsod.

Nagawa namang makatakbo ng biktima at madala sa VGH kung saan nasabi pa sa mga pulis kung sino ang sumaksak sa kanya bago nalagutan ng hininga subalit hindi na nasabi ang dahilan.

Hinahanap na ng mga pulis ang suspek upang malaman ang motibo ng pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.