Tinaga at Itinapon
Kelot, Nagpanggap na Patay

MASUSING INIIMBESTIGAHAN ng PNP Region 2 ang nangyari sa dalawang lalaki na tinaga at sinaksak ng maraming beses ng isang grupo ng kalalakihan sa lungsod ng Tuguegarao kamakailan.

Patay matapos na saksakin ng maraming beses si Patrick Villanueva, 15, residente ng Centro 5, Bagumbayan, Tuguegarao City.

Nakaligtas naman sa tinamong taga sa kanyang ulo si Rodney Balisi, 37, residente ng Centro 9, Bagumbayan ng naturang lalawigan.

Una rito, isang residente ng Sta. Maria, Isabela ang nagparating ng impormasyon sa mga awtoridad na may bangkay ng lalaki sa national road doon habang ang isa naman ay dinala sa ospital.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, pinilit na isinakay sa sasakyan ng grupo ng kalalakihan ang mga biktima kung saan ay nag-ikut-ikot sila hanggang sa makarating sa may bahagi ng San Pablo, Isabela at muling bumalik sa Tuguegarao.

Piniringan ang dalawa at sinimulang saksakin si Villanueva habang tinaga naman sa ulo si Balisi.

Nagpanggap na patay si Balisi hanggang sa makarating sila sa Sta. Maria kung saan sila itinapon.

Agad na nagpatulong ang biktima sa nakita niyang tricycle driver na nagdala sa kanya sa pagamutan sa nabanggit na lugar.

Sa ngayon, inilipat si Balisi sa Cagayan Valley Medical Center.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.