Kelot, Nagpaalam pa sa mga Kaibigan Bago Nagbigti

NAGAWA PANG magpaalam bago nagbigti ang isang kelot sa mga kainuman sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Patay na nang makita ang biktimang si Rolando Lachica Jr., 22 ng Celia St., Bayan-bayanan ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 kamakalawa ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa kanilang lugar nang magpaalam ang una sabay sabing “Mga pare, puntuhan ninyo na lang ako sa punenarya.”

Pumasok na sa kanilang bahay ang biktima at natulog na sa lamesa.

Ala-1 ng umaga, pumasok sa bahay ang tiyo ng biktima upang palipatin sa higaan ang pamangkin subalit laking gulat ng makitang patay na habang nakabigti ng nylon cord.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo at kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.