Kelot, Naghihimas na ng Rehas na Bakal, Matapos Himasin ang Ari ng Natutulog na Waitress

KULONG ANG isang lalaki matapos paghihipuan ang mga maseselang parte ng katawan ng natutulog na kalugar na waitress sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness si Wilson Laderas, 23, ng V. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Batay sa ulat, ala-1 ng umaga, natutulog sa loob ng kanilang bahay ang biktimang edad 20 nang pasukin at himasin ng suspek ang mga maseselang parte ng katawan ng babae.

Nakita naman ito ni Ednalyn Valentin na pipi at bingi na naging dahilan upang tumawag ng barangay tanod at madakip ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.