Kelot, Nagbigti sa Hall of Justice sa Pasig

ISANG LALAKI ang natagpuang nakabigti sa Hall of Justice sa Pasig City.

Sinabi ni Brian Bonoc, radio operator ng Pasig Command Center na pasado alas-6:00 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bangkay sa holding room sa ground floor ng Hall of Justice.

Samantala, kinilala naman ni Police Senior Superintendent Mario Rariza ang biktima na si Ambro Rajamudo na nakadetine dahil sa kasong illegal drugs.

Nagbigti umano ang lalaki gamit ang isang kadena.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa motibo ng umano’y pagpapakamatay.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.