Kelot, nagbigti sa compound ng mga madre

DAVAO CITY – PATAY ang isang lalaki matapos magbigti sa loob ng compound ng Teresian Daughters of Mary (TDM) sa Kilometer 3, McArthur Highway, Matina sa lungsod ng Davao.

Nakilala ang biktima na si Lendon Ladayo Talandang, 19, empleyado ng TDM at residente ng Marilog district ng nasabing lugar.

Napag-alaman na nadiskubre ng mga kasamahan sa trabaho ang biktima na nakabitin na ang bangkay sa isang kubo na matatagpuan sa loob ng compound ng TDM, ayon sa Talomo Police Station.

Tinali ng biktima ang lubid sa kanyang leeg at ang kabilang dulo nito ay tinali sa loob ng kubo.

Tinangka pang tulungang isugod sa San Pedro Hospital si Talandang ng kanyang mga kasamahan ngunit idineklarang dead on arrival na ang binata.

Walang nakitang suicide note ang mga nag-iimbestiga, ngunit wala ring palatandaan na may foul play sa nangyaring insidente.

Sa ngayon, nakaburol na ang biktima sa kanilang bahay sa Marilog sa Davao.                      (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.