Kelot, Nagbigti nang Nakaupo

PATAY NA nang makita ang kelot habang nakabigti nang nakaupo sa 3rd floor ng kanilang bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Henry Dacoma, 30, ng Kabuhayan St., Mapulang Lupa ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-8 ng umaga nang makitang nakabigti ng electrical cord habang nakaupo ang biktima sa ikatlong palapag ng kanilang bahay ng kanyang mga kaanak.

Nabatid sa ilang kaibigan ng biktima, bago magbigti ay nakainuman pa nila ang biktima at nagsabi na gusto na nitong mamatay dahil sa personal na problema.

Inaalam na mga pulis kung ano ang problema ng biktima na naging dahilan upang magbigti.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.