Kelot, Nagbigti Gamit ang Kulambo

PATAY MATAPOS magbigti ang isang lalaki sa Brgy. 1, Sarrat, Ilocos Norte kamakailan.

Nakilala ang nasabing biktima na si Dante Juan, 47, may asawa at residente sa nabanggit na barangay.

Base sa salysay ng asawa ng biktima na si Mrs. Julieta Juan, 46, nagulat na lamang nang makitang nakabitin na ang kanyang asawa sa kisame ng kanilang kubo kung saan natutulog ang biktima.

Naniniwala naman ang ginang na nagpakamatay ang kanyang asawa dahil sa kanyang sakit sa bato.

Samantala, sa pagsisiyasat ng PNP Sarrat, nagpakamatay ang biktima gamit ang isang kulambo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.