Kelot, Nag-Collapse Habang Nagba-Bike, Todas

PATAY ANG isang binata nang atakihin ng sakit sa baga habang nagbibisekleta sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Romeo Solomon, 37 ng Feliza Bukid, Parada ng lungsod.

Sa pahayag ng saksing si Yvette Moral, alas-8:30 ng gabi, nanonood siya ng telebisyon sa tindahan sa nasabing lugar nang makitang bumagsak ang biktima habang sakay ng bisekleta.

Humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang saksi subalit nang lapitan ang biktima ay wala ng buhay habang may dugo sa bibig.

Nabatid sa mga kaanak ng biktima na may sakit sa baga si Solomon.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.