Kelot, Nag-Ala-Hudas sa Loob ng Bahay

INAALAM NA ng mga pulis ang dahilan upang gayahin ng lalaki ang ginawang pagbibigti ni Hudas sa Navotas Huwebes Santo ng umaga.

Patay na nang makita si Juan Torres, 50 ng Phase 1-C, Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:30 ng umaga nang makitang nakabigti ng electrical cord ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto ng ka-live-in na si Anna Maria Suban.

Humingi ng tulong si Suban na makalas sa pagkakabigti ang biktima upang madala sa ospital subalit patay na si Torres.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang dahilan ni Torres upang magbigti kung saan inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.