Kelot, Nabaril ang Ari, Dedbol

PATAY ANG isang 37-anyos na lalaki matapos nitong aksidenteng mabaril ang sariling ari habang nakikipag-inuman sa Rosales, Pangasinan.

Sinabi ng mga kinauukulan na lasing na lasing ang biktimang si Geronimo Narciso habang pinapaputok ang baril at pinipigilan ng mga kaibigan.

Nang isusukbit na nito ang baril sa pantalon, aksidenteng nakalabit nito ang gatilyo at nabaril ang sariling ari.

“Isusukbit na niya nang makalabit. Naputukan ‘yung private part niya,” ayon kay SPO2 Remelio Mendoza, police investigator sa Rosales.

Samantala, iginigiit naman ng pamilya ni Narciso na hindi nagmamay-ari ng baril ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.