Kelot na Umawat sa Away, Tinuhog

KRITIKAL SA pagamutan ang isang 17-anyos na binatilyo matapos itong saksakin ng kalugar nang tangkaing umawat ng una dahil sa away ng huli sa kaibigan nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod sa Pres. Diosdao Macapagal Memorial Medical hospital sanhi ng tama ng saksak sa kanang dibdib ang biktimang si Mhelloyd Concepcion, ng No. 577 PNR Cmpd., Brgy., 73 ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng follow-up investigation ang pulisya sa tunay na pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na nakilala lamang sa alyas Dong-Dong, kalugar ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi, nakatayo ang biktima sa naturang lugar nang lumapit sa kanya ang kaibigan nitong nakilala sa alyas na Tawek na inaaway ng suspek at armado ng patalim.

Dito, tinangkang umawat ng biktima para matigil na ang away subalit siya ang pinagbalingan ng suspek at sinaksak. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.