Kelot na Pumatay sa Totoy, Dakip Na

NAGWAKAS ANG ISANG taong pagtatago ng isang kelot na pumatay sa isang totoy sa Caloocan City.

Kinilala ni Chief Insp. Bartolome Tarnate, hepe ng District Special Operation Unit ng NPD ang suspek na si Bazil James Felizar, 22 ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa record, sinaksak at napatay ng suspek si John Russel Tabios , 14 ng Phase 3, Bagong Silang noong Oktubre 30, 2010 sa Phase 2 ng nasabing lugar.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek hanggang sa madakip sa Blue Ridge Subd., San Jose Del Monte, Bulacan kamakalawa ng hapon sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Raymundo Vallega ng RTC Branch 130.

Nabatid na si Tabios ay honor student ng Bagong Silang High School.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.