Kelot na Pinutulan ng Misis, Planong Magpakabit ng Artipisyal na Ari

PLANO NG mister na maghanap ng artificial organ upang idugtong sa naputol nitong ari matapos na putulan ng kanyang sariling asawa sa bayan ng Naawan, Misamis Oriental.

Sinabi ni Cresencio, 32, na dahil sa hindi na mai-babalik pa ang kaputol na ari nito ay nanaisin na lamang niya na maghanap ng artificial organ upang kahit papaano ay hindi ito mahirapan sa pag-ihi.

Aminado naman si Cresencio na tuluyan na siyang nawalan ng kaligayan su-balit ang iniisip na lamang umano niya ay maging normal ang pag-ihi nito.

Nanawagan din si Cresencio sa mga taong may malaking puso na tulungan siyang makahanap ng pagdugtong sa kanyang ari sa lalong madaling panahon.

Inamin din nito na bago nangyari ang pagputol sa kanyang ari ay naging limitado na ito sa pakikipag-sex sa asawa niyang si Cherlyn.

Ito’y dahil nandididiri na umano siya nang malaman na mayroong ibang lalaki na karelasyon ang misis.

Pabiro pa nitong sinabi na kung mayroon mang sangkot na kalalakihan na katulad ng kanyang kaso, tiyakin umano nilang hindi magkumpiyansa at iwasang mahuli ng asawa.

Una nang sinabi sa doktor ni Cresencio na umabot sa 25 porsyento ang naputol sa kanyang ari at wala nang pag-asa na madugtong muli dahil hanggang ngayon ay missing pa rin ang kaputol nito sapagkat posibleng dala-dala pa ng tumakas niyang misis.

Ayon kay Cresencio, balak niyang magsampa ng kasong kriminal sa oras na siya’y makalabas na mula sa Northern Mindanao Medical Center sa lungsod.

Maaalala na ang mag-asawa ay parehong umanong mayroong kalaguyo kung saan ang misis  ay anim na buwang buntis sa kapit-bahay nitong lalaki.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.