Kelot na nakapatay ng aso, kalaboso

SHOOT SA KULUNGAN ang isang binata matapos nitong saksakin sa ulo at mapatay ang alagang aso ng kanyang kapitbahay at batuhin ang bahay ng huli kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Malabon City Police at nahaharap sa kasong RA 8485 o Animal Welfare Act of 1998 sa piskalya ng Malabon-Navotas Prosecutor’s Office ang suspek na si Alex Hernandez, 18, ng Sitio 6, Brgy. Catmon Malabon City.

Agad na nasawi ang aso sanhi ng tinamong tama ng saksak sa ulo habang nagtamo naman bukol sa ulo si Arnold Deloraya, 48, may-asawa, ng # 300 Sitio 6 ng nasabing barangay, nang batuhin ng suspek ang bahay nito.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Bago ang insidente, dumaan ang suspek sa tapat ng bahay ng biktima na lango sa alak, dito pinagbabato nito ang bahay ng huli hanggang sa magkahulan ang mga aso.

Lumabas si Deloraya, upang alamin kung sino ang nambabato hanggang sa tamaan ito sa ulo matapos nito ay ang aso naman ang binali-ngan ng suspek at sinaksak naman sa ulo na naging dahilan ng pagkasawi ng aso.

Agad namang humingi ng tulong si Deloraya sa mga barangay tanod na nagresulta ng pagkakadakip kay Hernandez at dinala ito sa nasabing himpilan ng pulisya.  (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.