Kelot na Nagwawala, Patay sa Taga ng Umawat na Bayaw

TODAS ANG isang kelot sa mga taga ng umawat na bayaw makaraang sumbatan at pukulin ng kaldero ng una ang huli na umawat dahil sa pagwawala ng biktima sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Tala Hospital sanhi ng taga sa ulo, leeg at balikat si Julius Cortrin, 36, ng Waling-Waling St., Camarin ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Francisco Ramirez, 52, ng nasabing lugar at bayaw ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-8 ng gabi, lasing ang biktima at nagwawala sa tapat ng kanilang bahay na naging dahilan upang awatin ng suspek.

Nagalit ang biktima at sinumbatan ang bayaw na sinabihan na “isa ka pa, wala ka namang maitulong sa akin kapag may kailangan ako,” sabay kuha ng kaldero at pinukol sa suspek.

Tinamaan ang suspek na pumasok sa kanilang bahay subalit nang lu-mabas ay may dalang bolo at walang salitang pinagtataga ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.