Kelot na may dalang baril-barilan, patay sa tunay na baril

PINAGBABARIL AT NAPATAY ang isang kelot na may dalang baril-barilan ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nagsusugal ng cara y cruz sa lamayan sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng dalawang tama ng bala sa mukha si Elmer Rivera, 43 ng Evangelista St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, alas-2:45 ng umaga, nagsusugal ng cara y cruz ang biktima sa isang kalugar na namatay sa Malolos St., Bagong Barrio nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin si Rivera bago tumakas.

Nakuha naman sa dalang bag ng biktima ang isang replica ng .9mm kalibre ng baril, passport ng isang Arlyn Pajarillo; mga tseke at iba pang gamit.

Inaalam na rin ng mga pulis kung ano ang lakad ni Rivera at bakit may dala itong replica ng baril at kanino ang mga tseke, maging ang nasabing passport.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.