Kelot na laging basted, nagpakamatay

MINABUTI NA LAMANG na isang binata na wakasan ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti nang hindi umano nito matanggap na muling mabigo sa pag-ibig makaraang bastedin ito ng kanyang nililiyag kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Wala nang buhay nang dalhin sa Martinez Hospital, Caloocan City ang biktimang si Rogie Lobos, 18, estudyante, ng No. 101 Damayan St., Maypajo, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito sa kanilang bahay sa naturang lugar.

Ayon sa ina ng biktimang si Aling Rogena, 37, nagulat siya nang makita ang anak sa silid nito na nakabitin gamit ang nylon cord, dahilan upang humingi ito ng tulong sa kanilang mga kapitbahay. Tinangka pang dalhin sa nasabing pagamutan ang biktima subalit patay na ito nang idating.

Sinabi pa ng ina ng biktima na ilang araw na nitong napapansin ang anak na walang kibo at malungkot at hindi nito inakalang mauwi sa pagpapakamatay ng biktima. Nabatid rin na sa tuwing manliligaw ang biktima ay wala pa itong napapasagot na babae.      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.