Kelot na Hindi Nag-Remit, Todas

PATAY ANG lalaki matapos paluin ng puluhan ng baril ng suspek na hinihinalang tulak ng Shabu makaraang mabuwisit ang huli nang hindi nakapag-remit ng pinagbentahan ng Shabu ang una sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng mga palo ng puluhan ng baril at bato sa ulo si Mark Alcantara, 25, ng Block 10, Longos ng lungsod.

Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Jake Emulaga aka Bunso, 36, ng Hiwas St., Longos ng lungsod.

Sa ulat, alas-2:10 ng madaling-araw, naglalakad ang biktima sa Parros Alley, Longos nang lapitan ng suspek at singilin ng P6,000 para umano sa nakuhang Shabu ni Alcantara.

Nakiusap ang biktima na huhulugan na lang subalit hindi pumayag ang suspek sabay bunot ng baril at kinalabit subalit hindi pumutok.

Ipinukpok na lang ng suspek ang puluhan ng baril sa ulo ng biktima na kahit kilo ay nagawang makatakbo subalit hinabol ng biktima at nang maabutan ay sunod-sunod na hataw sa ulo ang inabot ng nasawi.

Hindi pa nakuntento ang suspek at kumuha pa ng malaking tipak ng bato at ibinagsak sa ulo ng biktima bago tumakas at naiwan ang nasirang kalibre .38.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.