Kelot na de-baril, huli; nahulog sa motorsiklo

DAKIP ANG KELOT na de-baril habang nakatakas ang kasama nang mahulog sa motorsiklo ang una makaraang habulin ng mga pulis dahil sa hindi paghinto sa pagsita ng mga huli sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Ajayson Baltazar, 25 ng Panday Pira St., Tondo, Manila.

Batay sa ulat, alas-6:30 ng umaga, nagsasagawa ng check-point ang mga pulis sa C-3 rd., ng lungsod nang mamataan ang mga suspek sakay ng motorsiklong walang plaka.

Nang parahin ay hindi huminto ang mga suspek at humarurot na naging dahilan upang habulin ng mga pulis.

Nagpaputok pa ng baril si Baltazar at suwerteng walang tinamaan hanggang sa mahulog ang una sa motorsiklo na naging dahilan upang madakip kung saan hindi na huminto ang kasama.

Nakuha kay Baltazar ang isang .45 baril na walang lisensiya at isang sachet na Shabu.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.