Kelot na Bangag sa Droga, Hinostage ang Sarili

HINOSTAGE NG isang lalaki ang kanyang sarili sa Barangay Tatalon sa Quezon City.

Ilang oras ding tinutukan ng kutsilyo ni Edmund Ortega ang kanyang sarili.

Ayon sa mga kaanak ng kinakasama ng salarin na tumangging magpakilala, dakong alas-7:00, Martes ng gabi, nang dumayo si Ortega sa kanilang tahanan sa Caliraya St., Barangay Tatalon.

Hinihinalang lango sa droga ang suspek nang dumating ito.

Bigla na lamang umano itong nagtangkang i-hostage ang kinakasama ngunit pinakawalan din kalaunan. Sinasabing may away ang dalawa.

Ilang sandali pa’y nagtutok naman ng patalim si Ortega sa sarili nitong tiyan.

Ngunit nang mahimasmasan, nakatulog na lamang ito katabi ang mga patalim.

Dismayado naman ang pamilya sa pagtugon ng mga awtoridad dahil hindi inaresto ang salarin at hindi rin sinamsam ang mga patalim.

Samantala, desidido naman ang pamilya ng kinakasama ni Ortega na kasuhan ito ng unjust vexation.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.