Kelot, kulong sa tricycle

SWAK SA KULUNGAN ang isang kelot matapos itong mahuli sa aktong ninanakaw ang tricycle na nakaparada sa tapat ng bahay ng kanyang kapitbahay kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakapiit sa detention cell ng Navotas City Police at nahaharap sa kasong Robbery ang suspek na si Crysler Gotera, 23, binata, Phase 8-B, Package 13, Block 18, Lot-18, Bagong Silang, Caloocan City.

Sa reklamo ni Aurora Dalupang, 54, may-asawa, kapitbahay ni Gotera, dakong alas 2:30 ng madaling araw, nakaparada ang kanyang tricycle (PU-2255) sa tapat ng kanyang bahay nang makita ang suspek na papatakas habang itinutulak ang tricycle.

Lingid sa kaalaman ng suspek na nakita ito ng biktima at agad na nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod. Hindi pa man nakakalayo si Gotera ay agad itong nadakip.

Dinala naman ng mga tanod ang suspek sa nasabing himpilan ng pulisya at sinampahan ng nasabing kaso.        (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.