Kelot, Kulong sa Panghoholdap sa Biyudang Naka-Motorsiklo

SWAK SA piitan ang isang kelot habang nakatakas ang tatlong hindi pa kilalang mga kasama nang holdapin ang biyudang naka-motorsiklo sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Louie Dacuma, 27, ng Calle Onse, Gen. T. De Leon ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, binabagtas ni Imelda Cabral, 46, ng Policarpio St., ang Santolan Rd., Gen. T. De Leon kapwa ng lungsod nang harangin ng mga suspek sakay ng dalawang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Tinutukan ng baril ang biktima at kinuha ang bag na naglalaman ng P70,000 at cellphone bago mabilis na nagsitakas.

Nagsumbong naman sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Dacuma at nabawi ang cellphone ni Cabral.

Hindi naman nabawi ang pera ng biktima na dala ng tatlong kasama ni Dacuma.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.