Kelot, kulong sa pagdakma ng dibdib ng buntis

SWAK SA KULUNGAN ang isang kelot matapos nitong dakmain at lamasin ang dibdib ng isang buntis habang ang huli ay bumibili ng kape sa isang bangketa sa tapat ng mall kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Binitbit ng mga pulis sa presinto ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na si Denmark Ibabao, 25, ng # 113 Araneta Avenue, Caloocan City.

Sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk-Caloocan Police, dakong alas-12:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng Araneta Mall sa Bonifacio Monument Circle ng nasabing lungsod.

Sa reklamo ng biktimang si Joan (di-tunay na panga-lan), 20, ng PNR Compound, Caloocan City, naglalakad siya sa naturang lugar upang bumili ng kape sa nagtitinda sa bangketa nang makasalubong nito ang suspek.

“Nagulat na lamang ako nang bigla niyang dakmain ang dibdib ko at nilamas saka tumawa at sinabihan pa kong ‘pokpok’,” ani pa ni Joan.

Dito, agad na humingi ng tulong sa nagpapatrolyang pulis ang biktima na nagresulta sa agarang pagkakadakip kay Ibabao.

Sinabi pa ng biktima na tatlong buwan siyang nagdadalantao.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.